LOOK: Ilang lansangan sasailalim sa reblocking at repair ngayong weekend

Ilang bahagi ng EDSA, C5 at iba pang pangunahing lansangan ang sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, May 31.

Narito ang mga apektadong kalsada:

SOUTHBOUND:
1. C-5 sa harap ng Market-Market (outermost lane) at katabi ng U-turn slot malapit sa Market-Market
2. EDSA Monte de Piedad – Aurora Blvd., Service Road (3rd lane mula sa sidewalk) at kanto ng New York St. (1st lane mula sa sidewalk)
3. EDSA kanto ng Bansalangin St. (harap ng Shell, 3rd lane mula sa center island)
4. EDSA Magallanes – Baclaran Bus Stop to Magallanes – Alabang Bus Stop (outer lane)

NORTHBOUND:
5. Aurora Blvd. intersection hanggang Five Star (1st at 2nd lane mula sidewalk, intermittent section)
6. Quirino Highway harap ng Novaliches Plaza (1st lane mula sidewalk)

Payo ng MMDA sa mga motorista, iwasan ang nasabing mga kalsada para hindi maabala.

Ang mga apektadong kalsada naman ay bubuksan na sa mga motorista alas 5:00 ng umaga ng Lunes, June 3.

Read more...