Inilarawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na “natural” at “man-made” ang nangyaring fish kill sa mga fish cage sa Barangay Gulod at Buso-Buso sa bayan ng Laurel .
Sinabi ni Batangas environment officer Elmer Bascos na noong Miyerkules sila unang nakataanggap ng ulat hinggil sa fish kill.
Tuwing Mayo aniya nangyayari ang pagkasawi ng mga isda sa fish cages dahil sa lagay ng panahon.
Noong nakaraang linggo nagpalabas ng abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sinabihan ang mga cage operator na masusing bantayan ang kanilang stocks dahil sa pagbaba ng oxygen level.
Pero sa kabila nito, iniimbestigahan din ng DENR ang posibleng hindi magandang practice gaya ng “overstocking” at “overfeeding.”