Napatunayang guilty ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 si Reynaldo Parojinog Jr. sa kasong drug trafficking.
Si Parojinog Jr. ay anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na nasawi sa operasyon kontra ilegal na droga sa kanilang tahanan.
Sa desisyon ng QCRTC Branch 79, habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol kay Parojinog Jr.
Inatasan din itong magmulta ng P500,000.
Si Parojinog Jr. ay isa sa mga nadakip sa operasyon ng pulisya na ikinasawi rin ng kanilang ina na si Susan.
Nadakip din noon ang kapatid niyang babae na si Nova Princess Parojinog.
MOST READ
LATEST STORIES