Nakuha ng Toronto Raptors ang unang panalo sa Game 1 ng NBA Finals makaraang talunin ang Golden State Warriors sa score na 118 – 109.
Sa pagsisimula pa lamang ng laban hindi na hinayaan ng Raptors na makalamang ang Warriors.
Highest pointers sa koponan ng Raptors so Pascal Siakam na gumawa ng 32 points.
Nag-ambag din si Kawhi Leonard ng 23 points at si Marc Gasol ay nakagawa ng 20 puntos.
Highest pointer naman sa Warriors si Stephen Curry na nakagawa ng 32 points
Na sinundan nina Klay Thompson at Draymond Green na mayroong 21 points at 10 points.
Sa Lunes, June 3 alas 8:00 ng umaga oras sa Pilipinas muling maghaharap ang dalawang koponan para sa Game 2.
MOST READ
LATEST STORIES