Iniulat na ng North Korea sa World Organization for Animal Health (OIE) ang outbreak ng swine fever na naitala sa isang farm sa northern Jagang Province na malapit lang sa border ng China.
Pinangangambahan namang makadagdag pa ang outbreak sa nararanasan nang food crisis sa North Korea.
Dahil sa kumpirmasyon ng outbreak maghihigpit na ang agriculture ministry office ng South Korea para masigurong hindi sila mapapasok ng African Swine Flu.
Mahigpit nang binabantayan ngayon ang nasa 350 famrs ng South Korea n amalapit sa North Korean border.
Sa datos ng agriculture ministry ng Seoul, 77 mula sa 99 na baboy mula sa apektadong farm sa NoKor ang nasawi dahil sa ASF.