Pedicab driver, vendor na kapwa tulak ng shabu, arestado sa Malabon

Timbog ang dawalang hinihinalang nagtutulak ng droga sa ginawang magkahiwalay na operasyon ng Northern Police District o NPD sa Malabon.

Kinilala ang suspek na si Marvin Druga, 33 anyos, isang pedicab driver at residente ng Caloocan City.

Nakuha sa kanya ang isang maliit na selyadong transparent plastic na hinihinalang shabu.

Nahuli rin si Remy Fernando, 41 anyos, isang vendor, at residente ng Malabon City, na may warrant of arrest sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drug act ng 2002.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa Malabon Custodial Facility.

Read more...