DOTr, may balik-eskwela tips para maging ligtas sa kalsada ang mga mag-aaral

Ilang araw bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa Lunes, June 3 ay nagpalabas ng balik-eskwela tips ang Department of Transportation (DOTr).

Ito ay upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagbiyahe at paglalakad sa lansangan.

Ipinaalala ng DOTr ang ilang Road Safety Rules na importanteng sundin ng mga mag-aaral.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Maging alerto sa sa pagtawid sa daan
– Tumigin sa kaliwa at kanan bago tumawid
– Huwag tumakbo sa kalsada
– Alamin ang mga safety at pedestrian signal
– Gamitin ang pedestrian lane o overpass sa pagtawid
– Huwag gumamit ng gadgets habang tumatawid
– Huwag maglaro malapit sa kalsada o parking areas
– Gamitin ang mga sidewalk

Una nang inanunsyo ng DOTr ang pagbuhay sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Esweka 2019 para matiyak ang kahandaan sa pagbubukas ng klase.

Read more...