Sen. Lacson inihahanda na ang draft resolution kaugnay sa Senate presidency

Inihahanda na ni Senator Panfilo Lacson ang draft ng resolusyon para matukoy kung sinu-sino sa mga senador ang sumusuporta sa kasalukuyang pamumuno ni Senate President Tito Sotto III.

Ayon kay Lacson, layunin nito na magkaalaman na kung sino ang sumusuporta pa at hindi kay Sotto bilang senate president.

Wala pang petsa ang draft resolution at nakatakdang paikutin para sa lagda ng mga senador kasama na ang mga bagong miyembro ng 18th congress.

Sa June 7 nakatakdang mag-adjourn ang kasakuluyang 17th Congress at ang 18th Congress ay magbubukas sa July 22.

Sa ngayon ani Lacson, walang rason para palitan ang liderato ng senado dahil base sa pag-uusap usap nilang mga senador, nagkakaisa sila na kuntento sila lahat sa liderato ni Sotto.

Kaya nagtataka si Lacson kung bakit mayroong “isa o dalawang baguhang senador papasok na senador” na nagpapahiwatig na may isinusulong na bagong senate president.

Read more...