Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 116 kilometers Southeast sa bayan ng Governor Generoso, alas-3:05 umaga ng Biyernes (May 31).

May lalim na 31 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intesities at aftershocks.

Read more...