Ayon sa Batasan Police, target ng operasyon si alyas Edgardo habang aminado ang tatlong iba pa na naaresto na sina alyas Dexter, alyas Maximo, at alyas Elvin na gumagamit sila ng droga.
Positibong nakabili ng P200 na halaga ng shabu ang poseur buyer mula kay alyas Edgardo.
Gayunman, nangyari ang bilihan ng droga sa bahay ni alyas Dexter kung saan natyempuhan din ang iba pang suspek.
Ayon sa pulisya, mga parokyano lamang ni Edgardo ang tatlo.
Nakuha mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P8,000.
Pinabulaanan naman ng apat na may drogang nakuha mula sa kanila.