Nakapanumpa na si Narendra Modi araw ng Huwebes para sa kanyang ikalawang termino bilang Prime Minister ng India.
Ito ay matapos ang landslide victory ng nationalist party ni Modi sa katatapos lamang na eleksyon.
Pinangunahan ni President Ram Nath Kovind ang panunumpa ni Modi at kanyang Cabinet ministers.
Imbitado sa seremonya ang prominenteng regional leaders at maging ang mga Bollywood stars.
Nakuha ng Bharatiya Janata Party ni Modi ang 303 seats sa 542-member lower house Parliament na nagbigay sa prime minister ng napakalaking panalo.
Ang partido naman ng oposisyon ay nakakuha lamang ng 52 seats.
Maugong naman ang isyu ng hindi pag-imbita ni Modi kay Pakistani Prime Minister Imran Khan na nagpapakita umano ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa muling pagkakahalal kay Modi, nakatakdang solusyonan nito ang maraming isyung kinahaharap ng India tulad ng mabagal na pag-unlad ng ekonomiya, mataaas na unemployment rate at sumadsad na presyo ng mga produktong pang-agrikultura na malaki ang epekto sa mga magsasaka.