LOOK: Pangulong Duterte, namili sa Tokyo, Japan

Nagkaroon ng break si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang working visit sa Tokyo, Japan.

Sa ibinahaging larawan ni Senator-elect Christopher “Bong” Go, makikita ang pag-iikot ng Punong Ehekutibo para mamili ng ilang kagamitan sa nasabing bansa.

Kasama ng pangulo ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Dumaan ang pangulo sa kilalang international apparel chain na Uniqlo.

Maliban dito, tumingin din ang pangulo ng mga bagong gadget sa isang Apple store sa lugar.

Matatapos ang apat na araw ng working visit ng pangulo sa Japan sa araw ng Sabado, June 1.

Read more...