Mag-asawa, patay sa aksidente sa Samar

Dead-on-arrival ang mag-asawa makaraang bumangga sa isang bus sa Catbalogan City, Samar Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. Douglas Eloja, hepe ng Catbalogan City police, ang mga biktima na sina Nonito Malaque at asawa nitong si Michelle.

Kapwa nakatira ang dalawa sa Jasaan, Misamis Oriental.

Ayon sa pulisya, sinabi ng mga nakasaksi sa aksidente na dumaan sa kabilang lane ang mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo.

Dahil dito, bumangga ang dalawa sa paparating na bus.

Naisugod pa ang mga biktima sa Samar Provincial Hospital ngunit nasawi rin kalaunan.

Read more...