P120-K na halaga ng shabu nakuha sa mga suspek sa QC

(AP file Photo/Ezra Kaplan)

Nasamsam ng pulisya ang P120,000 halaga ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Nakuha ang halos isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana, cellphone, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Mark Alvin Limo, 28-anyos, at Jayjay Legaspi, 19-anyos at mga residente sa Tondo, Maynila.

Nahuli rin ang 17-anyos na si alyas “Ago” matapos bumili ang isang police buyer ng P16,000 halaga ng shabu alas -sais ng gabi kahapon sa nasabing lungsod.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 samantalang dadalhin naman ang menor-de-edad na suspek sa kustodiya ng Quezon City Social Services and Development Department.

Read more...