Lacson: Buwis mula sa kasalanan ng mga pulitiko mas mahal kesa sa sin tax

Inquirer file photo

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kung maari lang buwisan ang mga kasalanan ng ilang mambabatas ay maaring mas malaki pa ito kumpara sa pambansang pondo.

Aniya mas malaki ang nawawala sa pondo ng bayan dahil sa kurapsyon at kawalan ng kakayahan ng ilang opisyal.

Inihayag ito ni Lacson sa kanyang Twitter account dahil sa debate sa panukalang dagdagan ang buwis sa mgasin products.

Pagpuna ng senador, tila nakasanayan na lang na kapag kailangan ng pondo, ang palaging solusyon ay ang pagtataas sa buwis.

Ngunit paglilinaw nito, maganda naman ang intensyon ng panukalang sin tax hike dahil ang kita ay gagamitin bilang pondo sa Universal Health Care program.

Sinertipikahan na ng Malakanyang na ‘urgent’ ang panukala at may posibilidad na makalusot na ito sa Senado sa sesyon sa Lunes, Hunyo 3.

Read more...