Villar isinusulong para maging senate president – Marcos

Kinumpirma ni incoming Senator Imee Marcos na may paglo-lobby na nagaganap para maging senate president si reelectionist Senator Cynthia Villar.

Sa isang panayam sinabi ni Marcos may mga pagkilos para isulong mag-“step in” si Villar sa Senate leadership.

Agad namang nilinaw ni Marcos na wala namang “real effort” para ikampanya si Villar sa senate presidency.

Sina Marcos, Villar at senators Ralph Recto at Pia Cayetano, ay kapwa kasapi ng Nacionalista Party.

Pero ani Marcos wala pa namang tumatawag sa kaniya tungkol sa usapin ng senate presidency.

Ani Marcos, may mga narinig siyang sina incoming Senator Francis Tolentino umano ang nagsusulong kay Villar.

Tiniyak naman ni Marcos na mananatili ang loyalty niya sa kaniyang partido partikular kay Sen. Villar.

Read more...