2 bus nagbanggaan sa EDSA Buendia, 4 sugatan

Dalawang bus ang nagbanggaan sa EDSA Buendia Northbound.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng MRT Buendia Station.

Nasugatan ang apat na pasahero dahil sa nasabing aksidente.

Ayon sa MMDA, nangyari ang aksidente alas 8:54 ng umaga ng Huwebes, May 30.

Isang linya ang naokupahan ng nagbangaang bus na nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...