2 patay sa magkahiwalay na insidente sa Cebu

Patay ang dalawang katao sa magkahiwalay na insidente sa Cebu Huwebes (May 30) ng umaga.

Ayon kay Patrolamn Elenyl Pahuway, ng Moalboal Cebu Police Station, nasawi ang 2nd most wanted sa naturang bayan matapos ang engkwentro sa mga pulis.

Pumalag umano ang suspek na si Leonardo Velasquez habang inaaresto ng mga pulis dahil sa kinakaharap na kasong frustrated murder dakong alas 6:00 ng umaga.

Matagal nang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis kay Velasquez hanggang sa matunton ito sa Barangay Saavedra.

Samantala, sa Barangay Binaliw, Cebu City naman isang hindi pa nakilalang lalaki ang nasawi sa pamamaril.

Natagpuan lamang ang biktima na may tama ng bala ng baril at wala nang buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...