Bus na may lulang pilgrims sa Mexico bumangga sa isang truck, 21 ang patay

Patay ang 21 katao sa banggan sa pagitan ng truck at bus na may lulang pilgrims sa Veracruz, Mexico.

Lulan ng bus ang mga lumahok sa pilgrimage sa Catholic Shrine of the virgin of Guadalupe.

Nagliyab ang bus matapos mabangga ng truck kaya marami sa mga sakay nito ay nasawi.

Ayon sa Civil Protection Office ng Mexico, nasa 31 ang isinugod sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...