7 patay, 16 na iba pa nawawala sa lumubog na tourist boat sa Hungary

Pitong turista mula sa South Korea ang nasawi makaraang lumubog ang isang tourist boat sa Danube River sa Hungary.

Sakay ng tourist boat na “Hableany” ang nasa 33 turista, karamihan ay South Koreans nang mangyari ang aksidente sa Budapest.

Bago mangyari ang paglubog ng tourist boat ay bumangga umano ito sa isa pang vessel.

Mataas ang tubig sa ilog nang mangyari ang aksidente dahil sa nararanasang mga pag-ulan.

Double-decker ang tourist boat at mayroong capacity na 45 katao at ginagamit sa sightseeing trips.

Sa ngayon mayroon pang 16 na turista ang pinaghahanap.

Read more...