Ayon sa US Secret Service, agad rumesponde ang mga tauhan ng National Park Service at United States Park Police para bigyan ng first aid ang lalaki.
Nangyari ang insidente alas 12:20 ng tanghali sa 15th at Constitution Avenue.
Wala pang isang milya ang layo ng lugar sa White House.
Sa mga kumalat na video, makikitang nagliliyab ang katawan ng lalaki na naglalakad pa sa parke.
Hindi naman nakikita ng mga otoridad na banta ito sa seguridad at sinabing ang kaniyang sarili lamang ang ninais na saktan ng lalaki.
READ NEXT
Emergency summit sa pagitan ng Prime Minister ng Qatar at mga opisyal ng Saudi Arabia ipinatawag sa Mecca
MOST READ
LATEST STORIES