Truck bumangga sa apat na poste sa UN Avenue sa Maynila

Isang truck ang naaksidente sa bahagi ng UN Avenue sa Maynila.

Tinumbok ng truck ang apat na poste sa lugar.

Ayon sa driver ng truck na si Joselito Remo, 30 anyos, nawalan sya ng kontrol sa manibela ng sasakyan kaya naaksidente.

Laman ng truck mga bote ng softdrinks.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa aksidente.

Read more...