5 bata na gumagamit ng solvent nasagip sa Maynila

Nasagip ng mga otoridad ang limang kabataan na pawang naaktuhang gumagamit ng solvent.

Ang lima ay nahuling magkakasama sa center island ng Abad Santos Avenue.

Pawang mga edad 14 at 15 ang mga kabataan.

Nang tanungin ng mga pulis, ikinuwento ng mga ito na ang iba sa kanila ay naglayas sa kanilang mga bahay.

Dinala na sa barangay ang mga bata at nakatakdang iturn over sa DSWD.

Read more...