Hilagang Luzon apektado ng frontal system – PAGASA

Frontal system pa rin ang patuloy na nakaaapekto sa Hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan thunderstorms.

Ang lagay naman ng panahon sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Maaga namang nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa abiso ng PAGASA, alas 5:30 ng umaga kanina, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Lingig at Bislig sa Surigao del Sur; at sa Boston at Cateel sa Davao Oriental.

Read more...