Pangulong Duterte hindi ikinagalit ang ‘pabuya comment’ ng ambassador ng Pilipinas sa Japan

Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V
Balewala kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na ‘pabuya’ ang pagsasama ng maraming delegado ng pangulo sa kaniyang biyahe sa Japan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaring ‘innocently speculating’ si Laurel nang binanggit niya ang naturang komento o ‘di kaya naman ay ‘misinformed’ ito.

Sinabi ni Panelo na hindi naman ito ikinagalit ng pangulo.

Sa tingin din ni Panelo ay hindi naman sisibakin ng pangulo si Laurel.

Samantala, sinabi naman ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na hindi totoong pabuya ang pagsama ng mga miyembro ng gabinete sa Japan trip ng pangulo.

Ayon kay Lopez, tuwing may working visit naman ang pangulo sa ibang mga bansa ay sinusuportahan ito ng mga cabinet members.

Maliban dito, wala naman aniyang sinuman sa mga gabineteng kasama ng pangulo ang nangampanya noong eleksyon kaya walang dahilan para bigyan sila ng pabuya.

Read more...