Dating MNLF member arestado sa buy-bust sa Quezon City

Timbog ang isang dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa buy-bust operation ng pulisya sa IBP Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa impormasyon mula kay Batasan Police-Special Drug Enforcement Unit chief Pol. Major Sandy Caparoso, ang naaresto ay nakilala sa alyas na ‘Bayan’.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng P40,000 na halaga ng shabu mula kay Bayan.

Ang dating MNLF member ay nakulong na rin dati dahil sa iligal na droga.

Nakuhaan ito ng 50 gramo ng shabu na tinatayang higit P300,000 ang halaga.

Aminado ang suspek na may isang buwan na siyang nagtutulak ng droga ngunit hindi umano siya gumagamit nito.

Nagbebenta lamang umano siya upang may maipangtustos sa kanyang pamilya.

Muling mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...