Meralco nagpaliwanag sa paglobo ng bill ng kanilang customers

Nagpaliwanag ang Meralco sa reklamo ng kanilang mga customer na biglang pagtaas ng kanilang bayarin sa kuryente sa gitna ng tag-init.

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, normal sa panahon ng tag-init ang 20 hanggang 30 porsyentong paglobo ng konsumo sa mga kabahayan.

Ito anya ang tinatawag na “seasonality of consumption” kapag summer months.

Pero para sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kwestyunable ang sistema ng Meralco.

Ayon sa Bayan, nagsasagawa umano ng “estimate” ang Meralco sa ilalagay na bill kapag hindi nagkaroon ng reading sa metro ng customer.

Tanong ni Bayan secretary-general Renato Reyes Jr., posible ba ang pagtaas ng konsumo at kung talaga bang may problema sa metro?

Pero depensa ng Meralco, mga eksperto ang nagtatantiya kapag bigong mabasa ang metro at ibinabatay ito sa nakaraang buwang konsumo ng customer.

 

 

Read more...