Nakilala ang mga suspek na sina Thea Tecson at Eduardo De Vera na parehong nasa drugs watchlist.
Positibong nabilhan ng shabu ng poseur buyer ang target lang sana na si Tecson.
Nakuha mula sa suspek ang mga nataryang pakete ng shabu na may sulat pa kung magkano ito dapat ibebenta.
Tinatayang nagkakahalaga ng P32,000 ang halaga ng droga na nakuha mula sa suspek.
Isang pakete rin ng shabu ang nakuha kay De Vera na isang tricycle driver.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na ginagamit ang tricycle bilang panundo sa kanilang mga parokyano.
Dati na ring nakulong ang dalawa dahil din sa pagbebenta ng iligal na droga.
Muling mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.