Suspek sa pagpatay sa babaeng Grab driver, naaresto sa Pasig

FB photo

Arestado na ang lalaking suspek sa pagpatay sa babaeng Grab driver na ang bangkay ay natagpuan sa isang condominium unit sa Cainta Rizal noong Linggo May 26.

Ayon kay Lt. Col. Alvin Consolacion, hepe ng Cainta Police, naaresto sa Pasig City Miyerkules ng gabi si Paolo Largado, ang suspek sa pagpatay sa Grab driver na si Maria Cristina Palanca.

Umamin sa pulisya si Largado na gumagamit siya droga at nakuhanan ito ng isang sachet ng shabu nang maaresto.

FB photo

Nadiskubre ang bangkay ni Palanca sa ilalim ng lababo sa loob ng condo unit na sinasabing pag-aari ni Largado.

Dinala ang suspek sa Cainta Police para sa kaukulang booking process.

Lumabas sa imbestigasyon na si Largado ang huling nagpa-book kay Palanca.

Nakuhanan pa ito sa CCTV na umalis sa condo at minaneho ang sasakyan ng biktima na ginagamit nito bilang TNVS driver.

Kalaunan ay natagpuan ang sasakyan ni Palanca sa Lucena, Quezon.

 

 

Read more...