Suspek sa pagpaslang sa mag-asawang senior citizen, patay matapos tumakas

INQUIRER.net photo / Consuelo Marquez

Nasawi ang suspek sa pagpaslang sa mag-asawang senior citizen sa Quezon City matapos umanong magtangkang tumakas ayon sa pulisya.

Sa report na inilabas ng Philippine National Police (PNP), nangyari ang insidente alas 6:40 Miyerkules ng gabi nang tinangkang kunin ng suspek na si Carl Joseph Bananola ang baril ng isang pulis.

Tinangka umano nitong tumakas ngunit hindi na nakapalag ng paputukan sa likod ng isa pang pulis.

Dinala ang suspek sa East Avenue Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival.

Matatandaang pinatay ni Bananola ang mag-asawang Nicolas at Leonora Austria noong May 26.

Umamin ang suspek na naka-droga nang gawin nito ang krimen.

Read more...