Mga tanim na marijuana sinunog sa Kalinga

PDEA photo

Sinunog ang ilang puno ng marijuana sa sampung magkakahiwalay na plantasyon sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera, isinagawa ang tatlong araw na operasyon sa Butbut Proper sa bayan ng Tinglayan kung saan nasa 28,300  cannabis plant at isang libong seedling ang kanilang nakumpiska.

Wala namang nahuling suspek sa operasyon na nagsimula noong araw ng Lunes hanggang ngayong araw ng Miyerkules.

Posible anilang nakatakas ang mga suspek nang matunugan ang pagdating ng mga otoridad sa lugar.

Matatandaang noong November 2016, narekober ng mga otoridad ang nasa kabuuang P2.2 Billion na halaga ng ilegal na marijuana.

Read more...