Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Japanese businessmen na agad niyang papatayin ang mga problemang kakaharapin ng mga ito sakaling maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Sa talumpati ng pangulo sa business forum sa Imperial Hotel sa Tokyo, Japan, sinabi nito na tutuparin niya ang kanyang pangako na corruption-free ang kanyang administrasyon.
Pangako ng pangulo, itinataya niya ang kanyang pagkatao at karangalan para sa isang maayos na negosyo sa mga Japanese.
Pakiusap ng pangulo sa mga Japanese businessmen, huwag mag-atubiling lumapit sa cabinet officials humingi ng audience sa kaniya kung sa tingin nila ay naaagrabyado sila o nahuhulog sa patibong ng korapsyon ng mga opisyal dito sa pPilipinas.
Dagdag ng pangulo, tutugunan niya ang problema ng mga Japanese business sa loob lamang ng 24-oras.
Umaasa ang pangulo na lalo pang lalakas ang kalakalan ng dalawang bansa lalo na sa importasyon ng mga produktong pang agrikultura gaya ng saging, manga at pinya.
Hinimok din ng pangulo ang mga negosyante sa Japan na makiisa sa ikinasang build build build program ng kanyang administrasyon.
Tinatayang aabot sa P300 Billion na pagnenegosyo at 80,000 na trabaho ang iuuwi ng pangulo matapos ang pagbisita sa Japan para sa 25th Nekkie international conference for the future of Asia.