Pagbagal ng takbo ng ekonomiya isinisi sa El Niño

Inaasahan na ang -0.21 perentage point na magiging kabawasan sa paglago ng ekonomiya sa unang semester ng taon dahil sa naranasa ng El Niño sa bansa.

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoration Navarro, nasira kasi ang mga pananim dahil sa matinding tagtuyot.

Una rito, sinabi ng Department of Agriculture na 7.96 Billion na halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa El Niño.

Gayunman, sinabi ni Navarro na kumpiyansa ang NEDA na maabot pa rin ang anim hanggang pitong porsyentong Gross Domestic Product o GDP growth rate target para sa taong 2019.

Ayon kay Navarro, may ginagawa nang intervention ang pamahalaan para tugunan ang problema sa El Niño, pati na ang pagkaantala ng pagpasa sa 2019 national budget at ang nagaganap na US-China trade war.

Halimbawa na lamang ayon kay Navarro ang pagpapatupad ng catch up plans na tinutukan ng Department of Public Works and Highways at Department of Transportation.

Hindi aniya mag aatubili ang pamahalaan na gumawa ng 24/7 na construction sa mga infrastructure project kung kinakailangan, pagpapadali sa pagbibigay ng permit at iba pa para lamang masiguro na patuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Read more...