Pagkastigo kay kay Amb. Jose Laurel hindi na kailangan ayon kay Guevarra

Inquirer file photo

Para kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ayos na pagsabihan si Philippine Ambassador to Japan Jose Laure V at hindi ito kailangan pang patawan ng disciplinary action.

May kaugnayan ito sa naging pahayag ng opisyal na pabuya ng pangulo sa mga miyembro ng gabinete ang pagsama sa mga ito sa Tokyo, Japan.

Si Duterte kasama ang ilang miyembro ng gabinete ay nasa Japan ngayon at dumadalo sa Nikkei Business Forum.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na sagot ng organizer ng nasabing business forum ang gastos ng mga delegado mula sa bansa.

Sinabi ni Guevarra na siya ring hinirang ng pangulo bilang caretaker sa pamahalaan na hindi rin niya alam kung ano ang magiging kapalaran ni Laurel dahil sa kanyang naging pahayag.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tila hindi pinag-isipan ang pahayag ni Laurel dahil paano daw sila bibigyan ng reward ng pangulo gayung bawal sa kanila na ikampanya ang mga kandidato ng administrasyon noong midterm election.

Sinabi pa ni Panelo na malaki ang magiging pakinabang ng bansa sa pagdalo ng pangulo sa 25th International Conference on The Future of Asia sa Tokyo.

Sa nasabing pulong ay makakausap rin niya si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Read more...