MMDA nagsagawa ng clearing operation sa QC; 15 tricycle nahatak

Nagsagawa ng clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Quezon City, umaga ng Miyerkules (May 29).

Umabot sa 15 ang mga tricycle na nahatak ng MMDA.

Sinuyod ng MMDA Task Group Bravo ang kahabaan ng Congressional Avenue laban sa mga ilegal na pumaparada at iba pang obstruction sa kalsada,ala-6 ng umaga.

11 tricycle at isang motorsiklo ang nakumpiska at napag-alamang walang rehistro ang ilan sa mga nakumpiskang tricycle.

Apat na tricycle at kuliglig naman ang nakumpiska sa Road 20 at General Avenue na pawang walang lisensya at rehistro rin.

Hinarang at tiniketan din ang isang motorsiklo dahil tatlo silang magka-angkas at wala ring suot na helmet.

Ang pagmamaneho ng walang helmet ay may multa na aabot sa P1,500.

Ang mga nakumpiskang tricycle at motorsiklo ay dadalhin sa impounding area ng MMDA sa Tumana, Marikina.

Read more...