Ayon sa hepe ng Cainta Police na si Police Lt. Col. Alvin Consolacion, natagpuan ang itim na Toyota Avanza ni Palanca sa Lucena, Quezon matapos itong isangla ng suspek na si Paolo Largado sa isang kakilala.
Si Largado ang itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay sa biktima.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, Huwebes May 23 nang huling maghatid ng pasahero ang biktima patungong Pasig City mula sa Mandaluyong City, matapos maghatid ng pasahero ay nagpunta ang biktima sa condominium unit ni Largado sa Barangay San Andres, Cainta at mula noon ay hindi na umuwi si Palanca.
Linggo nang matagpuang duguan at wala nang buhay si Palanca sa ilalim ng lababo ng condominium matapos magreklamo ang ibang nakatira sa condo ng mabahong amoy na nagmumula sa isang unit.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung anong kaugnayan ng biktima sa suspek na patuloy naman na pinaghahanap ng pulisya.