Ayon kay Hilario, sa buwan ng Hunyo, makararanas ang bansa ng generally near normal rainfall condition maliban sa mga lugar sa Apayao, Cagayan, Zambales at iba pang lugar sa Region 1 na makararanas ng below normal na rainfall o pag-ulan.
Sa buwan ng Hulyo, generally normal above rainfall level ang mararanasan sa bansa maliban sa Mindanao at Southern Visayas.
Sa buwan ng Agosto, above normal rainfall na ang mararanasang pag-ulan sa bansa.
Ayon kay Hilario, ang buwan ng Hulyo at Agosto ang itinuturong ng PAGASA na peak months o pinakamalakas na panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES