Kinansela ang nakatakdang concert ni Ariana Grande sa Florida makaraang magkasakit ang singer.
Mayroong dalawang tour dates si Grande sa Florida nitong May 28 sa Amalie Arena sa Tampa at sa May 29 sa Amway Center sa Orlando.
Sa Twitter account ng kanyang concert producer na Live Nation ibinahagi nito ang Instagram post ni Grande na humihingi ng paumanhin sa kanyang mga fans.
Sa nasabing post, sinabi ng singer na pinayuhan siya ng kanyang doktor na ipagpaliban muna ang shows para makapagpahinga.
“I woke up incredibly sick today, ran to my doctor here and have been told to postpone these shows tonight and tomorrow. I’m so beyond devastated. I will make this up to you, I promise. Please forgive me. I love you and I will be back and better than ever as soon as possible. Love you.” Ayon sa IG post ni Grande.
Inihayag naman ng Live Nation na maaaring humingi ng refunds ang mga ticket holders o kaya naman ay gamitin ito sa takdang petsa.
Ang concert tour ay nire-schedule sa November 24 at November 25.