Ayon sa Kagawaran ng kalusugan, hindi lamang mga naninigarilyo ang apektado masamang usok ng yosi kundi maging mga non-smoker.
Sabi ng DOH, ang mga Non-smokers o mga hindi naninigarilyo ay ang mga tinatawag na second hand smokers kung saan nalalanghap din nila ang usok na may nicotine at iba pang toxic chemicals mula sa sigarilyo.
Batay sa datos ng DOH, mahigit 117,700 katao ang namamatay kada taon sa bansa dahil sa paninigarilyo.
Umaasa ang DOH na maaaprubahan ang expanded sin tax bill bago matapos ang 17th congress para maisabatas na ang dagdag na P60 sa kada pakete ng sigarilyo.
READ NEXT
Aktor na gumaganap na Jon Snow sa sikat na TV series na Game of Thrones, pumasok sa isang Wellness Center
MOST READ
LATEST STORIES