Aktor na gumaganap na Jon Snow sa sikat na TV series na Game of Thrones, pumasok sa isang Wellness Center

INQUIRER.net Stock Photo

Pumasok sa isang wellness center ang Game of Thrones actor na si Kit Harington para ayusin umano ang ilang mga personal na isyu.

Ayon sa ulat, nangyari ito bago pa mailabas ang huling episode ng season finale ng sikat na TV series kung saan ginagampanan nito ang papel bilang Jon Snow.

Iniulat naman ng isang gossip website na sa loob ng eight seasons ng GOT ay sumasailalim si Harrington sa “stress and alcohol treatment” sa isang luxury health retreat sa Connecticut.

Isa umano sa nagbigay ng stress sa aktor ay ang sinapit ng kanyang karakter sa nasabing serye.

Sa isang interview, inamin ni Harington na kinailangan niyang magpa-therapy nang dumaan siya sa “darkest period” sanhi ng kanyang role.

Naapektuhan din umano siya sa “full-on breakdown” sa huling eksena niya sa final season ng GOT.

Read more...