FDA nagbabala sa mga fake versions ng ilang beauty products

Nagbabala ang Food and Drug Administration laban sa paggamit ng mga pekeng cosmetic products na galing ng Korea at China.

Sa kanilang Facebook page, nagpa-alala ang ahensya sa mga counterfeit versions ng mga produktong pampaganda.

Sinabi ng FDA na marami sa mga ito ay gawa mismo dito sa Pilipinas habang ang iba ay galing pa ng Korea at China.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na produkto :

– 3W Clinic’s Fresh Lemon and Fresh Aloe Mask Sheet
– RDL Babyface Whitening Night Cream 5 in 1
– RDL Face Off Fade-Out Cream Day Cream
– Maybelline New York The Magnum Volum’ Express Waterproof Mascara
– M·N® Menow Generation-II Long Lasting Lip Gloss (Variant 34)

Nakumpirmang pekeng ang produkto matapos makipag-ugnayan ang FDA sa mga kompanya na lehitimong distributors at retailers ng nasabing mga international at local cosmetic products.

Nagbabala din ang FDA sa mga kompanya na magbebenta ng mga pekeng produktong ito.

Read more...