Ito ay matapos ihayag ni Laurel na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbitbit sa labing anim na cabinet members patungong Japan para sa 25th Nikkei International Meeting for the Future of Asia dahil sa pagkakapanalo ng mga pambatong senador ng administrasyon sa katatapos na May 13 midterm elections.
Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra na tumatayong officer in charge o caretaker ng bansa, napagsabihan na si Laurel.
Sa ngayon, wait and see aniya ang Palasyo kung didisiplinahin ni Pangulong Duterte o ni Foreign Affairs secretary Teodoro Locsin si Laurel.
“He has already been rebuked by the Palace. Let’s wait and see if there’ll be any further action by the president or by the SFA” ayon kay Guevarra.
Una rito sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo at Executive secretary Salvador Medialdea na hindi pabuya sa cabinet members ang Japan trip.
Paliwanag ni Panelo, hindi maituturing an reward ang biyahe dahil una pa lamang, pinagbawalan ng pangulo ang cabinet members na mangampanya at makisawsaw sa pulitika.
Sinabi naman ni Medialdea na hindi dekorasyon ang pagsama ng cabinet members sa pangulo dahil may kanya-kanya sila g trabaho na aatupagin sa Japan.