“Loading and unloading zones” para sa mga UV express inihirit ng isang transport group sa LTFRB

INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC

Hinihiling ng Stop and Go transport coalition na magtakda ng tamang bababaan ng mga pasahero para sa mga UV Express units.

Ang panawagan ay ginawa ng grupo kasunod ng pagbabawal sa mga commuter vans na magbaba sa mga lugar maliban sa kanilang mga terminals.

Ayon kay Stop and Go coalition president Jun Magno, pangunahing nahihirapan sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay ang mga pasahero na kailangang sumakay pa ng mga bus o jeep para lamang makarating sa kanilang destinasyon.

Kung nabigyan aniya ang mga P2P premium buses ng mga loading and unloading points, maaari din itong gawin sa mga UV Express.

Magsusumite ang grupo ng position paper at makikipagpulong sa LTFRB kaugnay ng kanilang mungkahi.

Read more...