BREAKING: June 5 idineklarang holiday ni Pangulong Duterte para sa Eid’l Fitr

Idineklarang holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang June 5 para sa Eid’l Fitr.

Ito ang kinumpira ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Base sa proclamation number 729 na nilagdaan ni pang duterte kahapon, may 28, 2019, hinihimok ang mga Filipino na makiisa sa Eid’l Fitr ng mga Muslim.

Inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na idineklarang holiday ang June 5 bilang National Holiday para sa Eid’l Fitr ang pagtatapos ng 30 araw na fasting o pag-aayuno ng mga Muslim.

Read more...