Lalaking sumaksak sa babaeng pulubi sa MRT naaresto na

Screengrab of DOTr-MRT3 video

Naaresto na ng pulisya araw ng Martes ang suspek sa pananaksak sa isang babaeng pulubi sa hagdan ng MRT-3 Boni Station noong Lunes ng hapon.

Nakuhaan ng CCTV ng MRT ang pananaksak ng lalaking nakilalang si Raymart Abayog, 19 anyos at isa ring pulubi.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng babaeng biktima na kinumpirma ng pulisyang namamalimos sa lugar.

Hindi na nakatanggi ang suspek sa ginawang krimen nang mapanood ang CCTV.

Nakuhaan si Abayog ng samu’t saring ballpen na pinaghihinalaan ng pulisya na ginamit nito sa pananaksak sa biktima.

Bunsod ng pangyayari, nanawagan ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero na agad ipagbigay-alam ang mapapansing kahina-hinalang aktibidad, bagay o indibidwal.

 

Read more...