LOOK: Romantic Morocco getaway nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Kathryn Bernardo IG

Hindi pinagkaitan ng magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang fans na makita ang bakasyon nila sa Morocco.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kathryn ang ilang larawan nila ni Daniel.

Kasabay ng kanilang ika-pitong taong anibersaryo, nag-enjoy ang dalawa sa isang romantic getaway sa Morocco.

Kathryn Bernardo IG

Makikita sa mga larawan na nasa disyerto sina Kath at Daniel.

Ilan sa mga pinuntahang lugar ng dalawa ang Sahara Desert at ang ruins of Volubilis.

Kathryn Bernardo IG

Sa isang larawan ay makikita ang aktres na kasama ang ilang locals at sinubukan nito ang ginagawa ng mga babae sa Morocco.

May isa pang larawan kung saan makikita na hawak kamay naman ang dalawa habang sila ay nasa isang tila sakahan.

 

 

 

Read more...