Philippine Navy nagdagdag ng puwersa sa Batanes

phil navy
Larawan mula sa Phil. Navy FB page

Dinagdagan ng Philippine Navy ang kanilang puwersa sa lalawigan ng Batanes para makatulong sa pagbabantay ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Navy Flag Officer-in-Command (FOIC) Vice Admiral Jesus Millan, pinaigting rin nila ang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno sa pag-monitor ng mga ilegal na gawain sa karagatang sakop ng bansa.

Sinabi pa ni Millan na umaasa sila na sa pamamagitan ng suporta mula sa gobyerno ay mapapalakas pa nila ang kanilang kapabilidad sa pag-monitor at kakayahan sa pag-responde katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Science and Technology (DOST).

Itinanggi naman ng opisyal na ang hakbang nilang ito ay may kinalaman sa insidente noong nakaraang taon kung saan nakapatay ang mga tauhan ng Coast Guard ng isang mangingisdang Taiwanese. / Jan Escosio

Read more...