Gobernador na nasangkot sa sex scandal, sinipa na sa Liberal Party

camsur gov. tallado
Inquirer Southern Luzon file photo/Juan Escandor Jr.

Kinumpirma ni Interior Secretary Mar Roxas ang pagtanggal ng Liberal Party kay Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

Ipinaliwanag ni Roxas na may proseso silang sinusunod sa kanilang partido at kung may naging paglabag sa kanilang paniniwala ay pag-aaralan ito ng kanilang local chapter.

Ayon kay Roxas, sa kaso ni Tallado, napagpasyahan ng kanilang mga Provincial at Regional Council na pumili na ng ibang lider sa lalawigan.

Aniya, hinahayaan nilang gumana ang proseso ng partido dahil ang kanilang mga miyembro ang nakaka-alam kung ano ang makakabuti sa lahat.

Magugunita na noong nakaraang taon, nasangkot sa isang scandal si Tallado nang kumalat ang mga sex photo nila ng kanya umanong kalaguyo sa Facebook.

Ito diumano ang ugat ng pagkawala ng kanyang misis na lumutang makalipas ang ilang araw at ibinunyag ang nalalaman ukol sa mga gawaing imoral ng kanyang asawang pulitiko. / Jan Escosio

Read more...