P10-M halaga ng shabu nakuha sa isang lolo sa Pateros

PNP photo

Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang P10.2 Million ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Santa Ana, Pateros.

Nakuha sa suspek na kinilang ai Angelo Reyes, 60 anyos at isa ng senior citizen ang isa’t kalahating kilo ng sinasabing shabu at marked money.

Nakabalot sa tea bags ang mga nakuhang droga at sumasailalim ngayon sa inventory.

Dumating rin sa lugar si National Capital Region Police Office Director Major General Guillermo Eleazar at kinausap ang suspek.

Ayon kay Reyes, nagawa niya ang pagbebenta ng droga dahil sa kahirapan ng buhay.

Read more...