Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa pagkansela ng dalawang kilometrong radius of end points ng UV Express.
Ayon sa ahensya, nilabag ng UV express ang mga regulasyon sa pagbibigay ng serbisyo na nagdudulot ng laganap na pagsasakay at pagbaba ng mga pasahero sa gitna ng kanilang ruta.
Pinapabagal umano nito ang byahe at pinahihirapan ang mga enforcers na ayusin ang daloy ng trapiko.
Mahigpit na ngayong ipapatupad ng LTFRB ang point-to-point o P2P operation ng UV Express kung aaan maaari na lamang magbaba at magsakay ang mga dyarber sa mga itinalagang terminals.
Ang kautusang ito ay sa bisa ng nilagdaang Memorandum Circular No. 2019-025 ng LTFRB epektibo noong may 16, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES